Una sa Balita

Pangarap na bahay bibigyang katuparan ng Pag-IBIG

0 261

HINDI kailangan maging isang ­milyonaryo upang mabuhay ng ­maayos. Sa Pag-IBIG Fund, ang mga ­empleyadong Filipino ay maaring bumili kahit may ­limitadong badyet. Maging ang mga nakabili na ng panimulang bahay, na gustong ayusin at baguhin ay maaring matulungan ng multi-purpose loan.

Ang Pag-IBIG Multi-Purpose Loan ay nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang Pilipino na nangangailangan ng extra cash.

Maari itong magamit para sa: ­kapital ng maliit na negosyo, pang-edukasyon o medikal na gastusin o mga bayarin sa credit card, paglalakbay, pagkukumpuni ng kotse, Debt consolidation, ­pagpapagawa ng bahay.

Kung ikaw ay miyembro ng Pag-IBIG Fund, kailangang nakapagbayad ka ng at least 24 buwan na kontribusyon sa Pag-IBIG na hindi hihigit sa 65 na taon sa ­petsa ng aplikasyon sa loan.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy