Una sa Balita

Pangangalaga sa ating mga Senior Citizen sa panahon ng quarantine

0 712

Kumusta ang nakatatanda sa inyong mga tahanan?

Alam ko, marami sa inyo ang labis na nag-aalala dahil kabilang sila sa mga immunocompromised at lantad sa pagkakaroon ng komplikasyon sakaling mahawa ng coronavirus disease o COVID-19.

Payo ng Department of Health, hangga’t maaari ay huwag silang palabasin ng bahay ngayong tayo ay nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Biro nga ng younger generations, sa unang pagkakataon daw ay nabaligtad ang sitwasyon: ang mga anak o apo na ang nanenermon sa mga magulang at kanilang lolo at lola kapag pinipilit na lumabas pa ng bahay.

Hindi rin natin sila masisisi, lalo na sa mga active lolo at lola na ang kaligayahan sa araw-araw ay makapagsimba, makapamalengke, makadalo sa pa-zumba sa munisipyo o kaya ay simpleng pakikipagkwentuhan sa kapitbahay.

Ngayong sila ay nasa bahay lang, aktibo man o may mga pre-existing conditions gaya ng high blood, diabetes, at iba pa, anu-anong suporta at pangangalaga ang maaari nating gawin para sa kanila?

1. Siguraduhing sapat ang kanilang gamot hanggang matapos ang ECQ. Alamin din natin ang contact number ng kanilang mga doktor. Makakatulong ito lalo na kung may emergency.

2. Magluto ng masusustansiyang pagkain. Hangga’t maaari ay iyong may gulay at pakainin din sila ng prutas. Mahigpit na sundan ang diet na inirerekomenda ng doktor lalo na kung sila ay may pre-existing medical condition.

3. Huwag kalimutang paarawan sila kada umaga kahit sa may bintana o labas ng bahay. Ayon sa mga eksperto, mainam ang Vitamin D na nakukuha mula sa sikat ng araw na pampalakas ng resistensya.

4. Kung lumabas tayo para bumili ng pagkain o gamot, siguraduhin na tayo ay maliligo at magdidisinfect pagdating ng bahay.

5. Mahalaga ring kausapin sila lagi at pakinggan kung ano man ang kanilang agam-agam. Sa panahong ito, abot-langit din ang kanilang pangamba kaya iparamdam nating hindi sila nag-iisa at kasama nila tayo.

Ang akin pong opisina ay tumutulong sa Coalition of Services of the Elderly na makapagbigay ng immunopacks na makakapagpalakas ng resistensiya nila lolo at lola. Laman nito ay bigas, gatas, face mask, vitamins, at iba pa. Sa mga nais tumulong, narito ang mga paraan para makapagdonate:

BPI Savings Account

Coalition of Services of the Elderly, Inc.

Account #: 3151-0415-65

Gcash

0966-584-6621

Paypal

cosefinance@cose.org.ph

I-email ang transaction receipt sa immunopacks.cose@gmail.com

Maaari ring kontakin si Gen sa 0917-309-6121

Maraming salamat po at sama-sama nating protektahan ang ating nakatatanda sa banta ng COVID-19.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More