Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangalusian Island markado sa Linggo

0 34

LABING-ISANG (11) matitikas na kabayo ang nagdeklara ng pagsali sa gaganaping 4-Year-Old & Above Local/Imported Challenge Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.

Kabilang sa mga nominado sa event na may distansyang 1,600 metro ay si reigning Presidential Gold Cup ruler Pangalusian Island.

Inaasahang isa sa magiging liyamado si Pangalusian Island pero tiyak na mabibigyan siya ng magandang laban sa ibang naghayag ng pagsali na sina In The Zone at Tony’s Love.

“Maraming magagaling at hindi naman kahabaan ang karera kaya baka mabitin si Pangalusian Island,” saad ni Allan Garcia na palaging nasa pista kapag may ensayo ang mga kabayo.

Ang ibang nagpalista sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Chancetheracer, Dragon Butterfly, Full Stream, Gomper Girl, Joyous Solution, Our Tito, Righteous Ruby at Sky Candy.

May guaranteed prize na P500,000 kung saan hahamigin ng owner ng unang kabayong tatawid sa meta ang halagang P300,000.

Kukubra din ng P25,000 ang breeder ng winning local horse. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.