Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangalusian Island maikli tatakbuhan

0 130

SASABAK si former Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island sa Condition Race Merged (10) ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Rerendahan ni jockey AR Villegas, mapapalaban si Pangalusian Island kontra pitong tigasing kabayo sa distansiyang 1,400 metro.

Kilalang malupit sa mahahabang distansiya si Pangalusian Island, naipakita na nito nang manalo sa PGC noong 2020.

Makakalaban ni Pangalusian Island sina Magtotobetsky, Kid Baloloy, The Accountant, Point Of Interest, Goldsmith, Doc Boy at American Factor.

“Hinahasa siguro si Pangalusian Island sa maiiksing karera, nakaraan maganda naman ang kanyang itinakbo tingin ko malaki ang panalo niya ngayon,” saad ni Ernesto Cabrera, karerista.

Samantala, pitong balanseng karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) Huwebes, suportado ito ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.