Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangalawang virus testing lab target sa NegOcc

0 456

Nakatakdang magbukas sa Negros Occidental ang isang molecular laboratory na may kapasidad na makapagsagawa ng 1,000 COVID-19 test sa isang araw, ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz.

Dagdag niya, ang pangalawang COVID-19 laboratory ng provincial government ay bubuksan sa Valladolid District Hospital at joint venture kasama ng isang private firm.

Ang Safeguard Diagnostics Inc. ang uupa ng espasyo sa nasabing ospital sa P95,000 kada buwan para sa laboratory at babayaran ang provincial government ng 5 porsyento sa kita nito, paliwanag ni Diaz. Gagamit umano ang nasabing laboratory ng US technology.

Inaasahan na sa loob ng isang buwan ay magbubukas na ang operasyon nito. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.