Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pangakong taas-sahod sa mga guro tuparin na

0 64

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Labor Day, ipinaalala ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pa¬ngako ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito manalo noong 2016 na tataasan ng P10,000 ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Raymond Basilio, ACT Secretary General may panahon pa para tuparin ni Duterte ang pa¬ngakong ito bago matapos ang kanyang termino sa susunod na taon.

Sinabi ni Basilio na sa inaprubahang Salary Standardization Law 5 noong 2020, aabot lamang sa P1,562 ang itataas sa buwanang sahod ng mga guro sa loob ng apat na taon.

Ang hindi umano pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako ay pagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa mga guro. (Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.