Una sa Balita

Pangako ni Sen. Bong Go sa mga ‘sports minded’ na kabataan, tinutupad na

0 290

Tinutupad na ni Sen. Bong Go ang kanyang pangako sa mga ‘sports minded’ na kabataan noong panahon ng kampanya na isusulong niya ang pagtatayo ng sports school sa bansa.

Inihain ni Sen. Bong Go ang Senate Bill No. 397 na naglalayong magtayo ng sports training school o paaralang huhubog at mag-develop ng kakayahan, galing at talento ng mga high school students sa larangan ng sports.

Ayon kay Sen. Go, nais niyang­ maibalik ang pagiging “sports powerhouse” ng bansa sa Asya tulad noong dekadasitenta at otsenta para makapag-uwi ng mga medalya ang mga atletang Pinoy sa iba’t-ibang international competition, partikular sa mga Olympics.

Sinabi ni Sen Go, tatawagin ang naturang paaralan na National Academy of Sports for High School (NASHS) na itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac at may inisyal na pondo na P150 million na manggagaling sa National Treasury at sa Government Appropriations Act (GAA).

Sa ilalim ng Senate Bill 397, mga kabataang may angking ga­ling sa anumang larangan ng palakasan at nagpapakita ng kakaibang hilig sa sports ay kuwalipikadong makakapasok sa nasabing paaralan.

Libre ang pag-aaral na may allowance at ‘stipend’ na ibibigay ang gobyerno sa mga deserving­ student.

Sa mga hindi qualified sa scholarship grant ng pamahalaan pero gustong mag-aral sa nasabing paaralan para mahasa sa isang sport ay maaari pa ring tanggapin pero magbabayad ng ‘minimal’ ng matrikula ang kanyang mga magulang.

Si Sen. Go ang siyang chairman Senate Committee on Sports, ay nagsabing “magkakaroon ng best training­ sa mapipiling sport ang isang estudyante dahil mga professional­ at retired athletes ang mga ins­tructors.
Ang itatayong paaralan ay kumpleto ng pasilidad tulad ng 20,000 –seater na athletic stadium, 2,000 seater na aquatic center­ o swimming pool area, athletes’ village, bikeways at jogging tracts”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy