Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pang-Pangulo sa tapang, tindig, talino! Lacson angat sa CNN bakbakan

0 214

Taglay ni Partido Reporma standard-bearer Ping Lacson ang mga kata­ngian at kaalaman para maging susunod na pa­ngulo ng bansa at nangibabaw ito sa ‘The Filipino Votes: Presidential Debate 2022’ ng CNN Philippines at University of Santo Tomas (UST) nitong Linggo, Pebrero 27.

Dumating si Lacson sa UST nang naka-Barong Tagalog ilang oras bago magsimula ang debate. Kasama sa mga tinalakay niya ang kanyang mga plano para sa susunod na anim na taon para resolbahin ang mga problema sa ekonomiya, kalusugan, edukasyon, pambansang seguridad at iba pa.

Simula pa lang ng debate ay ipinagmalaki na ni Lacson ang buong tapang niyang pakikipaglaban sa katiwalian sa loob ng kanyang higit 50-taong karanasan bilang pulis, sundalo, at mambabatas na kailanman ay hindi tumanggap ng suhol at umabuso sa mga pribilehiyong hatid ng kanyang posisyon.

Sa loob ng deka-dekadang panunungkulan sa gobyerno, handang-handa na si Lacson katuwang ang kanyang vice-presidential running mate na si Senate President Tito Sotto na pamunuan ang bansa at ibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa demokrasya.

Ang tambalang Lacson-Sotto ay nangangampan­ya tungo sa mabuting pamamahala gabay ang kanilang mga mensahe na “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at “Uubusin ang Magnanakaw.” Samantala nang tanu­ngin kung mahalal na pangulo, karamihan sa mga kandidato sa pagka-presidente ay gusto una­hing paimbes­tigahan ang korapsiyon sa Bureau of Customs (BOC).

Nang tanungin kung anong ahensiya ang dapat unahing imbestigahan sa katiwalian, ang mga kandidatong sina Ernesto Abella, Norberto Gonzales, Leody de Guzman, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Isko Moreno, at Leni Robredo ay pare-parehong itinuro ang BOC.

Tanging si Senador Manny Pacquiao ang nagbanggit sa Department of Health (DOH) na kanyang uunahing ipasisiyasat tungkol sa korapsiyon.

Tanging si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang hindi sumipot sa presidential debate ng CNN Philippines. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.