Una sa Balita

Pang-debut ni Janine binigay sa mga biktima ng Taal

0 393

Ipinagdiwang ng “Tawag Ng Tanghalan” Season 2 grand champion na si Janine Berdin ang kanyang ika-18 kaarawan sa Batangas, na kung saan ay namahagi siya ng biyaya sa mga biktima ng Taal.

Napagdesisyunan ng singer na gawin itong paraan ng pagdiriwang ng kanyang debut. Usually kasi, ang mga debut ay sine-celebrate na super-bongga na naka-gown with 18 roses and 18 candles.

Pero sa halip na gumastos siya sa ganoong selebrasyon ay inilaan niya ito para sa mga nasalanta ng Taal eruption.

Bumuhos sa social media ang paghanga sa young singer dahil bihira lamang ang may puso para ilaan ang birthday celebration para sa mga kapus-palad.

“18 na ako?” tweet pa ni Berdin, ‘di makapaniwala na siya ay nasa legal age na. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More