Una sa Balita

Pang-asar sa MMDA? Luis pasimuno ng ‘Edsa Doll For Sale’

0 1,177

Umiral na naman ang pagiging ‘joker’ ni Luis Manzano dahil sa Facebook post niya kaugnay nang malapit nang ipatupad na regulasyon sa EDSA na bawal nang dumaan ang sasakyang single lang ang sakay para makatulong sa pagbawas sa traffic tuwing rush hours.

Ibinalita niyang meron na raw EDSA Dolls For Sale ang solus­yon sa mga single na kailangang dumaan sa EDSA.

Tatlong klase ng dolls ang naka­lagay na ang lo­west price ay P2,000 na Joseph at Nicole ang pangalan habang ang pinakamahal ay P4,000 na Batman ang tawag.

Take note na may s­izes pa ang Joseph dolls habang one size lang ang Nicole at Batman doll, huh!

Malay natin, gawin ito ng mga business-minded na Pinoy na pagdating sa pagiging madiskarte ay magagaling, huh!

Maine aagawan ng korona si Anne

Natuwa ang ilang fans ni Maine Mendoza nang hindi itinago ang shooting sa publiko ng festival movie niyang ‘Jak Em Popoy’. Nasa kalye ang location ng nakaraang shoot kaya naman nagpista ang publiko sa kakatitig at kakakuha ng picture ni Meng kasama sina Vic Sotto at Coco Martin.

Eh, nag-mellow na rin kasi ang fans ni Meng ngayon. Nu’n ka­sing sumabog ang pangalan niya sa ‘Eat Bulaga’, kinailangan ng mara­ming bodyguard para mapigilan ang gustong makakita at magpaku­ha ng picture sa kanya.

Never naman kasin­g naging maramot sa kanila ang Pheno­menal Stars na kahit mala­mog-lamog na siya ng mga fan eh magiliw pa rin niyang hinaharap ang mga ito.

Komo police woman ang role, expect na may mga eksena siyang sa kalye ang mga location. Eh, ‘yung ganitong aksyun-asksyunan, type na type gawin ni Menggay, huh!

Naku, after Anne Curtis sa ‘BuyBust’, tabi-tabi na’t heto na si Maine, ang bagong action comedy princess ng movies, huh!