Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pang-amoy ni Gobert mahina pa

0 247

TATLONG buwan matapos tamaan ng nakamamatay na sakit na coronavirus, hindi pa rin tuluyang magaling ang NBA center na si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Ayon sa 28-anyos na manlalaro, bumalik na ang kanyang panlasa subalit ang kanyang pang-amoy ay hindi pa tuluyang bumabalik.

“The taste has returned, but the smell is still not 100%. I can smell the smells, but not from afar. I spoke to specialists, who told me that it could take up to a year,” kwento ng player.

Bagaman hindi na umano ito seryoso, naaalarma pa rin si Gobert sa kanyang kondisyon lalo pa’t maglalaro na siya para sa Utah sa pagpapatuloy ng 2019-2020 NBA season sa Hulyo 30 sa Disney World sa Florida.

Matapos magbiro tungkol sa COVID-19, si Gobert ang naging unang NBA player na nasapol ng virus noong Marso.

Dahil dito, hininto muna ang liga at humingi ng tawad si Gobert dahil sa kanyang kapabayaan nang hawakan ang mga mikropono matapos ang isang post-game press conference.

Doon hinihinalang nakuha ni Gobert ang virus. (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.