Una sa Balita

Pang-7 suspek sa viral marijuana video, sumuko na rin

By
0 475

MATAPOS na sumurender sa mga awtoridad ang anim na lalaki na sangkot sa viral marijuana video kung saan minumura nila si Pangulong Rodrigo Duterte, isinuko na rin ng kanyang ina ang pang-pitong suspek. 

Alas-2:54 kahapon ng madaling-araw, sa Barangay Hall ng Tugatog, Malabon City, dumeretso si Randel Louis Roque, 20-anyos, bago tumuloy sa opisina ni P/Sr. Supt. Harry G. Espeja, head ng Malabon Police Station. 

Unang isinuko ng kani-kanilang magulang noong Martes ng alas-5:30 ng hapon ang mga kasamahan ni Roque na sina Juaniel Arvie, 18-anyos; Cedrick Acharon, 21; Ran-Ran Santos, 23; Emmanuel Guerrero, 23; Kurt Edison Aflo, 22 at Cornelio Aguilar, 22, pawang mga residente ng Barangay Tugatog, Malabon.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga magbabarkada ang nakita sa video na humihithit ng marijuana at minumura si Pangulong Duterte. 

Base pa sa video, nais ng mga suspek na maging ligal ang marijuana, dahil doon lang umano sila sumasaya at wala naman silang ginagawang masama.

Ipinapakita rin ng grupo ang hawak nilang marijuana na halos isang kilo ang dami na nakalagay sa plastic ng bigas. 

Nag-viral sa social media ang video ng magbabarkada kung saan umabot sa 1.6 ang viewers at 68,000 ang nag-like.

Isa sa mga confidential agent ng Northern Police District (NPD) na magsagawa ng follow-up ope­ration lalo na’t taga-lungsod ang pitong suspek. 

Gayunpaman, humihingi ng tawad kay Pa­ngulong Duterte ang pitong suspek.