Una sa Balita

Pang-20 preso na namatay sa Cavite

0 208

PATAY ang isang 34-anyo­s na preso matapos na kumalat ang impeksiyon sa katawan sa tinamong sugat. Siya ang pang-20 sa bilang ng mga namatay na bilanggo sa Dasarinas City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Junjie Juares, binata ng Blk. 1 Lot. 45, Zone 1, Bautista Pro-perty, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni Patrolman Ricahrd Domingo ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-9:10 kamakalawa nang umaga nang ideklarang patay ang biktima habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmariñas City dahil sa kumalat ng impeksyon sa sugat sa katawan.

Unang isiugod si Juares sa nasabing ospital dakong alas-12:50 noong May 14.

Si Juares ay inaresto at nakulong nong April 27, 2019 dakong alas-11:10 nang gabi dahil sa paglabag sa RA 9165.

Si Juares ang pang-20 sa naitalang namatay na preso mula Enero 2019 . (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy