Una sa Balita

Panelo: Wala akong emotional attachment sa mga kliyente

0 273

Walang personal na “attachment” si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa lahat ng kanyang mga naging kliyente bilang abugado.

Ito ang nilinaw ng kalihim nang matanong sa isang press conference kung nararapat bigyan ng second chance si convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, gaya ng naging pahayag ni senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sinabi ni Panelo na bilang abogado, hindi dapat na pinapairal ang emosyon para sa mga kliyente at bilang prinsipyo na rin.

Kung sa inaakala ni Senador Dela Rosa ay dapat bigyan ng tsansa at ikalawang pagkakataon si Sanchez ay sarili niya itong pananaw.

“I’m not emotionally attached to all my clients. As a matter of practice and principle dapat hindi ka attached eh. So if that’s the opinion of the good senator, I think he is entitled to it,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na wala siyang personal na kaalaman kung ano ang mga ginagawa ni Sanchez sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) para sabihing nagbago na ito.

“Ah I don’t know, I have no personal knowledge of what he was doing inside. Hindi ko alam eh, kasi since I do not know exactly kung good behavior siya doon o hindi… I will be incompetent,” dagdag pa ni Panelo.

Isa lamang si Sanchez sa mga kontrobersyal na personalidad na naging kliyente ni Panelo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy