Una sa Balita

Panelo paasa: Relasyong PH-US lalo pang iinit

0 324

KAHIT wala nang Visiting Forces Agreement (VFA), patuloy na magiging mainit ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos, ayon sa isang opisyal ng Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Legal Counsel Salvador Pa­nelo na ang pagbuwag sa VFA ay magpapaganda pa sa relasyon ng dalawang bansa.

“It remains warm, hopefully it could be warmer,” saad ni Panelo.
“Why? Because I’ve been noticing that who have been critical of the US government policies have been given the preferential attention of the US government. ‘Pag nababanatan sila, sinusuyo nila, iyong mga kakampi nila eh, inaapi nila. Parang ganoon ang dating eh,” dagdag pa niya.

Samantala, pinagtanggol naman ni Senador Francis Tolentino ang pagbuwag ni Pangulong Duterte sa VFA.

“The acts of each branch of government must not be controlled by or subjected to the influence of either branch — such is the essence of separation of powers,” pahayag ni Tolentino.

“Does the President have the power to abrogate a treaty under the 1987 Constitution? I say yes, considering the President’s role as the chief architect of our nation’s foreign policy,” sambit ni Tolentino.

“This includes the decision to terminate the exis­ting Visiting Forces Agreement, a political process with regional and international consequences. This goes into the very essence of executive power, which in Art. VII, Sec. 1 of the 1987 Constitution, is ves­ted in the sole person of the President of the Philippines,” dagdag pa nito.

Isiniwalat naman ni Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) chief Gen. Felimon Santos Jr. na halos kalahati ng 318 aktibidad ng military ang tulu­yang maapektuhan kapag nabuwag ang VFA.

Ayon kay Santos, sa taong ito, may 318 aktibidad ang gagawin sa bansa at 10 dito ay major exercise.

Pero dahil nagpadala na ang Pilipinas ng notice of termination sa US, hindi umano mangyayari ang nakatakdang mga aktibidad dahil magka­kabisa ang termination makalipas ang 180 araw. (Prince Golez/Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More