Una sa Balita

Panelo kay Sonny Kaso harapin ‘wag puro dada

0 391

TINAWAG ng Malacañang na nonsense ang banta ni da­ting senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na bubuwelta ito sa mga nanggipit at naghain ng patong-patong na kaso laban sa kanya pagkatapos ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pinag-aaksayahan ng panahon ng Palasyo ang mga pinagsasabi ni Trillanes dahil wala namang kuwenta ang mga ito.

Mas mabuti aniyang harapin na lamang ng dating senador ang mga kaso nito sa halip na puro daldal lang.

Batay sa pahayag ni Trillanes, umabot sa mahigit 20 ang kasong isinampa laban sa kanya ng Duterte administration na malinaw aniya na panggigipit sa kanya dahil sa paglaban niya kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More