Una sa Balita

Panelo handang mag-commute pero walang media

0 284

KINASAHAN ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang ha­mon na mag-commute para masubukan nito ang hirap at sakripisyong dinaranas ng ordinaryong mamamayan sa pagsakay sa jeep at tren.

Gayunman, tumanggi ang kalihim na ide­talye kung anong oras at kung saan nito uumpisahan ang ‘commute challenge’ nga­yong Biyernes.

“Lagi naman akong ready eh. You’ll just hear about it and see it. Basta ako sasakay, tapos,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi niya alam kung ano ang magi­ging pakinabang ng mga grupong naghamon ng commute challenge sa kanya dahil hindi naman aniya mababago ang sitwasyon kahit pa pinagbigyan niya ang kapritso ng mga kritiko.

Binigyang-diin ni Panelo na kahit sino pa ang bumiyahe sa Metro Manila ay parehong makakaranas ng sakri­pisyo dahil ang problema ay ang traffic at hindi ang krisis sa transportasyon.

“Whether you are a motorist, or a commu­ter, you suffer the same. Wala namang pagbabago ‘yun, ganu’n din ‘yun. All of us are affec­ted. Kaya ‘yung crisis, crisis in the suffering of all hindi paralysis. Ang crisis, tayong lahat may crisis who are suffering from it, may crisis dun sa management ng LRT pati ng mga bus, ‘yun ang crisis. Pero ‘yung transport mismo as a means of transportation since walang paralysis, walang crisis. We are all suffering,” dagdag ni Panelo.

Kasabay nang pagtanggap sa hamon, tiniyak ng kalihim na bibiyahe siyang mag-isa at hindi magbibitbit ng alalay o media dahil sanay naman itong mag-commute.

Matagal na aniya siyang nagko-commute lalo na kapag wala ang kanyang driver kaya sanay na siya.

“Kayo ba nakita ninyo na akong may security ever since I assumed office in the government? None. kahit sa mga biyahe ko abroad wala rin akong kasama, zero rin ako. Punta ka sa mall, makikita mo ako mag-isang luma­lakad, kahit saan nag-iisa ako palagi,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy