Una sa Balita

Panelo binira sa pag-astang spokesman ng China

0 288

TILA napikon si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo dahil sa pag-asta nitong parang tagapagsalita ng Chinese Embassy.

Ito’y kasunod ng pagbasa ni Panelo sa text message na pina­dala sa kanya ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

“Why would the country’s presidential spokesperson whose salary and other miscellaneous expenses are being paid out of our taxes take on the embassy spokesman’s job?” sabi ni Lacson kahapon.

Ang tinutukoy ni Lacson ay ang paha­yag ni Panelo noong Sabado kung saan nakatanggap siya ng text message mula kay Ambassador Jianhua na pumalag sa alegasyon ng pag-espiya sa mga kampo ng militar malapit sa mga gambling site kung saan nagtatrabaho ang mga Chinese national.

“Ambassador Zhao sent me a text. He said, ‘What if we also think that your overseas workers are also spying on us. What can you say about that?’…Presidential spokesperson or Chinese embassy spokesman?” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter.

Ayon kay Lacson, may sariling spokesman ang Chinese Embassy na ang trabaho ay magsalita on behalf ng China.

“The thing is, the Chinese embassy has its own spokesman who should speak on their behalf because that’s his job,” anang senador.

Ilang mambabatas at mga opisyal ng gobyerno ang naunang nagpahayag ng pa­ngamba sa lokasyon ng ilang Philippine offshore gaming operator (POGO) at masyadong pagkalapit nito sa mga military base tulad ng headquarters ng Armed Forces, Navy at Philippine National Police.

Noong Huwebes, ikinaalarma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag­lipana ng mga POGO sa bansa lalo na ang pagkakalapit nito sa mga kampo militar na maaaring maging espiya ng mga ito.

Matatandaang ku­malat sa social media ang mga satellite location map ng mga POGO na malalapit sa ilang malalaking kampo ng militar.

Dindo Matining

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy