Una sa Balita

Panelo bagong spokesman ni Duterte; ISAFP chief, itinalaga sa Army

By
0 839

May bago ng napiling bagong tagapagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte simula sa Lunes kapalit ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Pa­nelo na ang opisyal na magiging tapagasalita ng Pangulo.

Concurrent ang magiging posisyon ni Panelo bilang Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel.
Kinumpirma kapwa nina Secretary Panelo at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na bago na ang spokesman ng Pangulo sa Lunes.

Nakapili na rin si Duterte ng bagong susunod na hepe ng Phi­lippine Army kapalit ng magreretirong si Army Chief Rolando Bautista.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, susunod na magiging Army Chief si Army Major General Macairog Alberto.

Si Alberto ang kasalukuyang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Phi­lippines (ISAFP) at da­ting naging commander ng Task Force Davao.