Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pandemya matutuldukan sa pagbakuna – UN chief

0 152

Tanging sa pagbabakuna lamang mawawakasan ang pandemyang dulot ng COVID-19 sa buong mundo, ayon kay United Nations (UN) secretary general Antonio Guterres.

Sinabi ito ng UN chief sa pagpupulong na ginanap sa UN headquarters sa New York kung saan ay dumalo ang mga kinatawan ng Group of 77 kasama ang China.

Binigyang-diin ni Guterres na sang-ayon sila sa vaccination strategy na inilatag ng WHO para mabakunahan ang 40 porsiyento ng mga tao sa lahat ng bansa hanggang sa katapusan ng 2021 at target pang madagdagan ito ng hanggang 70 porsiyento sa kalagitnaan ng 2022.

Kung kaya’t mahalaga aniya na lahat ng bansa ay magkaroon ng bakuna kontra COVID at makapagsagawa ng virus test at treatment para matuldukan ang paglaganap ng pandemya sa buong mundo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.