Una sa Balita

Panday Sining walang respeto

0 416

Dear Abante:

Hindi ba’t kalapastanganan ang ginawa ng mga taga-Panday Sining sa imahe ni Andres Bonifacio? Ito na ba talaga ang takbo ng sistema ng pag-iisip ng kabataan ngayon? Ganyan ba kawalang modo ang mga sinasabing sining na alam nila? Ang pangit kasing binababoy ‘yung mga bayani para lang makapukaw sila ng atensyon sa madaling sabi, magpapansin.

Kung ako ang kamag-anak ni Bonifacio, magngi­ngitngit ako sa galit sa kawalang respetong ginawa ng mga taga-Panday Sining na ‘yan. Maling idamay ang isang bayani sa ganyang pamamaraan ng paglaban sa gobyerno.

Konting respeto sa mga kalahi ni Bonifacio. Kabataan Party-list, take action nga kayo sa mga alagad ng sining kuno, tutal kayo naman ang nanglason ng utak ng kabataan na ‘yan.

Andrea Tomales

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More