Una sa Balita

‘Panday’ ni Coco pinakamalaking pelikula sa MMFF

0 19

Yes, si Coco Martin nga ang bagong Panday. Nagsanib-puwersa ang CCM Film Productions, Star Cinema, at Viva Films sa kauna-unahang pagkakataon para sa isang pambihirang Pamaskong handog para sa buong pamilya sa pagbabalik-pelikula ni Coco Martin sa Ang Panday – ang pinakamalaking action-adventure na pinakahihintay na 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF), na mangyayari simula nga­yong Pasko.

Sa ilalim ng direksyon mismo ni Coco Martin, sa ilalim ng tunay nyang pangalan na Rodel Nacianceno, sa kanyang kauna-unahang pagdidirek, at sa orihinal na istoryang kanya ring nilikha kasama si Joel Mercado, ito ang kauna-unahang live-action film adaptation ng Ang Panday – ang pinakamamahal ng lahat na karakter na nilikha nina Carlo J. Caparas at Steve Gan, na siya namang pinasikat ng yumaong action king na si Fernando Poe Jr. – mula noong 2011.

Para sa 2017 epic na pagbabalik ng iconic Pinoy hero na ito, gagampanan ni Coco Martin ang papel ni Flavio III – ang apo ng orihinal na Panday. Magbabagong bigla ang kanyang buhay nang kanyang madiskubre na ang kanyang angkan ay ang itinakdang ta­gapagligtas ng sangkatauhan sa kasamaan ng imortal na kalaban ni Panday na si Lizardo (Jake Cuenca) na nagba­balik mula sa kadiliman upang muling guluhin at pahirapan ang mundo.

Bilang hindi alam ni Flavio III na tanging ang angkan niya lamang ang makakatalo kay Lizardo, kailangan niyang maglakbay sa iba’t ibang mundo upang makuha ang tiwala ng kapangyarihan ng espada. At gaya ng orihinal at pinakamamahal na bayani ng lahat, madaming makikilala si Flavio III na tutulong sa kanya bilang tunay na tagapagmana ng tinitingalang pangalan ng Ang Panday.

Ang Panday ay di lamang isang iconic na karakter sa Pinoy pop culture ngunit isa rin ito sa pinakamamahal na Pinoy comic book heroes of all time sapagkat kinakatawan nito ang ideals ng katotohanan at hustisya at pati na rin ang pagwawagi ng kabutihan sa kasamaan.

Karapat-dapat banggitin na ito ang kauna-unahang full-length mainstream movie na dinirek ni Coco. Pinanday ng panahon si Coco upang maging isang direktor.

Nagsimula ang karera ni Coco bilang isang aktor sa mga indie movies, most notably sa mga pelikula ni Brillante Mendoza, at nag-cross over siya sa mainstream sapagkat siya ay nag-transition sa telebisyon, kung saan tuloy-tuloy siyang lumabas bilang bida sa mga top-rating primetime teleseryes ng ABS-CBN at pati na rin sa mga pelikula sa ilalim ng isang higanteng film outfit.