Una sa Balita

‘Panday’ ni Coco mas pinipilahan

By
0 602

As predicted, ang Ang Panday ni Coco Martin ang pinilahan ng mga bata at matatanda sa unang araw kahapon ng 43rd Metro Manila Film Festival.

Hindi nakapagtataka ang pangunguna ng Ang Panday sa box office race ng walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival dahil pambata ang pelikula at nagsa­nib puwersa ang fans ni Coco at ang loyal viewers ng Ang Probinsyano, ang top rating primetime teleserye niya sa ABS CBN.

Nakatulong din sa success ng Ang Panday ang walang kapa­guran na provincial at palengke tours ni Coco para i-promote ang pelikula niya.

Hindi natapos sa Parade of Stars sa Muntinlupa City noong Sabado ang commitment ni Coco para sa kanyang u­nang movie directorial job dahil bumisita at pinasaya niya ang mga senior citizen sa isang home for the elderly sa Marikina City.

Na-appreciate nang todo ng mga kababa­yan natin ang sipag at kind gesture ni Coco kaya sinuklian nila ang effort ng actor sa pamamagitan ng pagtangkilik sa Ang Panday sa first day of showing nito kahapon sa cinemas nationwide.

Just Love…gamit na gamit ng carolers

Napatunayan namin noong bisperas ng Pasko ang malaking impluwensya ng ABS-CBN sa televiewers, lalo na sa mga kaba­taan nang umuwi kami sa Laguna.

Usong-uso pa rin sa mga probinsya ang Christmas carolers pero binago ng ABS-CBN ang nakaugalian na tradisyon dahil imbes na mga classic Christmas song, ang mga Christmas song ng Kapamilya network ang kinakanta ng mga nagbabahay-bahay na bata.

Nakaka-miss ang mga nakasanayan sa pandinig na “We wish you a Merry Christmas and Happy New Year” song dahil hindi na ito kinakanta ng mga caro­ler na mas memor­yado ang mga Christmas song ng ABS-CBN na maya’t maya nila na napapanood sa telebisyon.

Solenn hindi hiwalay kay Nico

Headline ng mga entertainment section ng mga diyaryo at showbiz websites ang magkahiwalay na pagdiriwang ng Pasko ni Solenn Heussaff at ng kanyang asawa na si Nico Bolzico.

Merry Christmas!!! Missing @nicobolzico

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

Umuwi si Nico sa bayan nito sa Argentina para makasama sa Pasko ang pamilya niya samantalang naiwan sa Pilipinas si Solenn.

May mga hindi nakaunawa sa mga headline tungkol sa magkahiwalay na Christmas celebration ng mag-asawa dahil in passing lamang ito na nabanggit ni Solenn sa isang interbyu.

Si Solenn ang celebrity endorser ng CDO Premium Holiday Ham dahil ito ang favorite Christmas food niya at sa panayam sa kanya tungkol sa walang extenders na ham, naikuwento ng sexy actress ang pag-uwi ni Nico sa Argentina na hindi siya kasama.

Misleading ang ilan sa mga headline kaya ang akala ng ibang mga nagbasa, hiwalay na ang dalawa. Kung binasa nila na mabuti ang kabuuan ng interbyu kay Solenn, malinaw ang sinabi nito na hindi siya selfish at possessive na asawa kaya pinayagan niya si Nico na magbakasyon sa Argentina dahil sa buong taon naman, silang da­lawa ang araw-araw na magkasama.

***

Mainit ang pagsalubong kay former Senator Bong Revilla, Jr. ng kanyang mga kababa­yan sa Cavite nang umuwi siya sa bahay nila sa Bacoor City noong Sabado, December 24.

Isang malaking tarpaulin na may litrato ni Bong at may nakasulat na “Welcome Home” ang sumalubong kay Bong sa harap ng ta­hanan nila sa Bacoor­ City.

Para sa mga supporter ni Bong, answered prayer na pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang request ng aktor na makapiling nito ang pamilya sa bisperas ng Pasko.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng media na mainterbyu si Bong dahil ipinagbawal ito ng Sandiganbayan First Division.

Sampung oras lamang ang ibinigay na Christmas furlough ng Sandiganbayan kay Bong pero may mga batas na dapat sundin.

Bukod sa bawal magpainterbyu, hindi puwedeng gumamit ang former senator ng communication at electronic gadgets. Higit sa lahat, kailangan na ibalik siya sa Camp Crame pagkatapos ng oras (11 a.m. to 9 p.m.) na ipinagkaloob sa kanya ng Sandiganbayan First Division.