Panda Express, nagbukas sa SM North Edsa!

Matapos ang blockbuster launch nito sa SM Megamall noong 2019, nagbukas ng bagong branch ang sikat na American-Chinese fast casual restaurant na Panda Express sa SM North EDSA, Quezon City.
Abot-kamay na sa mga taga-Norte ang best-sellers ng Panda Express katulad ng Original Orange Chicken (crispy chicken na may matamis at tangy sauce) at ang klasik na Broccoli Beef (gawa sa malambot na baka at sariwang broccoli, sinarsahan ng ginger soy sauce).
May mga putahe rin para sa mga nagpa-plant-based diet. Meron silang Eggplant Tofu. Tinusta nang kaunti ang tokwa, talong at bell peppers. Swak ito sa sarsa nilang may tamis-anghang.
Delivery
Puwedeng-puwede na ring ma-enjoy ng mga kustomer ang Panda Express sa sarili nilang bahay. Maaaring mag-order sa Facebook messenger at ilang delivery apps katulad ng GrabFood at foodpanda. Sakop ng delivery area ang Metro Manila.
Chinese-American Classic
Itinayo ang Panda Express ng mag-asawa’t ngayo’y co-CEO na sina Andrew at Peggy Cherng noong 1983. Sila ang nagpasikat ng American-Chinese cuisine. Binago nila ang tradisyunal na Chinese recipes para sa mas Kanluraning panlasa. Dahil dito, naitatag nila ang kompanya bilang pinakamalaking Asian dining concept sa Amerika, at pinakamalaking American-Chinese concept sa buong mundo.
Pumasok ang Jollibee Group sa 50/50 joint venture kasama ang Panda Restaurant Group (PRG) para buoin ang JBPX Foods, Inc. Ayon sa JFC, plano nilang magbukas ng lima pang Panda Express stores sa buong Metro Manila sa simula ng kanilang partnership.
Mahigit sa 2000 ang bilang ng Panda Express sa buong mundo, at higit sa 39,000 ang associates nila. Sa labas ng US, may Panda Express sa Canada, Guatemala, Aruba, Japan, Mexico, El Salvador, South Korea, Russia, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Para sa karagdagang impormasyon sa Panda Express, bisitahin ang www.facebook.com/PandaExpressPH/ (Facebook) at @Panda ExpressPH (Instagram).