Una sa Balita

Panay ang tulong sa iba: Mga artista kinalimutan ang mga maliliit na film, TV worker

0 862

Habang ang karamihan sa mga celebrity ay abala sa pagbibigay ng mga donasyon sa mga medical frontliner, pati na sa mga pulis, militar, at at iba pa, tila nakalimutan naman ng mga ito na lingunin ang ibang mga kasamahan sa industriya na nangangailangan din ng kanilang pagdamay.

Nagposte si Shaina Magdayao sa kanyang Instagram ng panawagan para sa mga film worker na nagugutom ang pamilya sa kasalukuyan.

View this post on Instagram

Para sa aming mga kasamahan sa industriya 🙏🏻 🎞 🎥 📺 🍿 KAPIT-BISIG MGA MANGGAGAWA NG PELIKULANG PILIPINO! It takes a village to make a film. It is a collaborative process that involves close to a hundred people that the public doesn't see — headcrews, grips, setmen, carpenters, electricians and utility personnels. Most of them are below-the-line, daily-earners whose livelihood depend on productions. They're the most vulnerable sector of the film community and they will be severely affected by the current Covid-19 crisis. They need our help. The Directors' Guild of the Philippines in unity with Ang Lupon ng Pilipinong Sinematograpo and The Ricky Lee Scriptwriting Workshop in partnership with the Lockdown Cinema Club is part of a campaign to raise funds for these displaced workers. All proceeds will go to the database of film workers that industry leaders in Lockdown Cinema Club have collated and validated as the most vulnerable in our film community. This is a time when our community must come together to ensure that the less fortunate among us do not get left behind. Please share this information and donate. Repost from @pepediokno

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

Nakabalandra sa IG ng aktres ang “Save The Film Workers”. Ayon sa caption, kailangan ng tulong ng mga film worker lalo na ang mga daily basis ang trabaho gaya ng mga crew, grips, carpenters, at mga utility personnel.

“They need our help,” sabi ni Shaina sa kanyang post.

Nagsama-sama ang mga Director’s Guild of the Philippines, Lupon ng Pilipinong Sinematograpo, The Ricky Lee Scriptwriting workshop at sa pakikipagtulungan ng Lockdown Cinema Club na siyang core ng campaign na ito na tatanggap sa mga nagnanais na magbigay ng donasyon para sa mga nabanggit.

Ang FDCP o Film Development Council of the Philippines ay gumagawa na rin ng programa para sa mga technical people ng film industry.

Kaya doon sa mga nagpuposte ng boxes of goods para ipamahagi sa mga frontliner, sulyapan din niyo ang mga kawawang film at TV workers na nakatulong sa kanilang career kung bakit sila nakakaluwag-luwag sa buhay ngayon.

***

Kahit talon nang talon: Kris Bernal ayaw umalog-alog ang boobs

Dahil marahil sa kabagutan, sumawsaw na rin si Kris Bernal sa mga nagbibigay entertainment sa social media. Nagposte siya video na naka-two piece gym outfit sa Instagram.

Gaya ng dati, nakaluwa ang mga bundok ni Kris, at nakalabas ang tiyan.

Nagpakitang gilas si Kris sa kanyang video sa pagsasayaw. Inalog-alog ni Kris ang kanyang katawan at pati na ang kanyang mayamang dibdib.

Pero kapansin-pansin na hindi man lang gumagalaw ang mga dyoga ni Kris kahit gaano ito kalaki.

Kumpara sa ibang mga celebrity na may mga ganoong move, makikitang tumatalbog-talbog ang mga pakwan nila. Posibleng dahil sa kapal ng pads ng suot na bra ni Kris kaya hindi man lamang gumalaw ang kanyang mga dibdib.

Matagal nang natsitsismis na nagparetoke ng bundok ang aktres, na itinatanggi naman niya. Nakasara ang comment section ng post ni Kris kaya walang makapag-bash sa kanya.

***

Nag-sorry sa mga fan: Kris walang magawa, hindi makatulong sa mga kapus-palad

Sa kauna-unahang pagkakataon ng krisis sa Pilipinas, baldado si Kris Aquino at hindi niya magawang makabahagi ng tulong sa kanyang mga kababayan.

Humihingi ng paumanhin si Kris sa netizen sa hindi niya pagbibigay ng tulong dahil naka-isolate silang magi-ina nina Bimby at Joshua sa isang private resort sa Puerto Galera.

Ilan sa mga follower ni Kris ang nakakaunawa sa sitwasyon ni Kris ngayon.

Mabuti na lang at maganda na ang pakiramdam ni Bimby. Ayon sa caption ni Kris isang “upper respiratory” at “bronchial asthma” lang ang naging sakit ng kanyang anak.

First time ni Kris na mamuhay na silang tatlo lang mag-ina, sa isang bakasyon. Nagpapasalamat ang aktres sa ilang mga taga-Puerto Galera na tumutulong sa kanila.

***

Robin nadurog ang puso sa mga namatay na doktor

Sumaludo si Robin Padilla sa mga medical frontliner na nag-alay ng kanilang buhay para lang gamutin ang mga COVID-19 infected. Pinoste ni Robin ang larawan ng dalawang doktor na nahawaan ng COVID-19 na sina Dr. Greg at ang kanyang misis.

Bago namatay si Dr. Greg ay nagpadala ito ng text message sa kanyang pamilya, kaibigan. Nakasaad sa kanyang mensahe ang nakini-kinitang expiration ng kanyang buhay.

Sabi pa niya, kung sakaling mabubuhay ang kanyang asawa, huwag pababayaan ito at ang kanilang autistic na anak.

Nakakaiyak ang isa pang mensahe ni Dr. Greg na sinasabi niyang kailangan ng anak niya ng lifetime financial support, na hindi na niya maibibigay. Namatay noong Lunes ng umaga si Dr. Greg.

Nakakalungkot ang ganitong balita kaya ang panawagan ni Robin, pati na ng sambayanang Pilipino ay manatili sa bahay para hindi kumalat pa ang virus.

Durog na durog nga ang puso ni Robin sa mga namatay na doktor.

***

Mga beki naulol sa pabukol ni Martin del Rosario

Binulabog ni Martin del Rosario ang mga bakla, babae sa Instagram nang magpabakat siya ng bukol sa post niya. Pinoste ni Martin ang larawan niya sa labas ng bahay na walang suot pang-itaasat naka-boxers lang.

Lantad ang magandang katawan ni Martin at ang balbon na dibdib, hanggang sa tiyan. Low waist ang boxers ni Martin, kaya halos sumungaw na ang kanyang mga bulbol.

Namumukol din talaga ang alaga ni Martin sa boxers at hindi ito nakalagpas sa mapanuring mata ng kanyang mga follower. Naulol, naligalig ang mga beki sa pagnanasa sa aktor. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More