Una sa Balita

Panay ang travel, ha! Aktres kaduda-duda ang kayamanan

0 702

abante-anything-goes-jun-lalinAng bongga naman ng isang former child star na na-link noon sa isang celebrity-lawyer.

Aba, ang dalas niyang mag-abroad lately.

Ang iba, nagtatanong kung saan kinukuha ng babaeng ito ang pinanggagastos niya abroad?

Eh, ang alam ko, hiwalay na siya sa celebrity-lawyer, may iba kaya siyang mayamang boyfriend ngayon?

Well…

Mga Pinoy singer super wagi sa V-day

Naku, Dondon, mabuti na lang at three nights ang Araneta Coliseum concert ni Regine Velasquez-Alcasid with Vice Ganda na magsisimula bukas hanggang sa Saturday, kaya sa last night na ako manonood dahil bukas ay lalagare ako sa Timeless Classics nina Martin Nievera at Lani Mi­salucha sa PICC at Master of Love ni Ogie Alcasid (na isa ang favorite kong si Mariel de Leon sa mga magge-guest) sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Sa Friday naman, ang Hitmakers & Ai ang pano­noorin ko sa Newport Performing Arts Theater.

In fairness sa four concerts na nabanggit, pare-pareho silang malalakas, kaya naman ang saya-saya ng concert scene ngayon sa bansa.

At least, namamayagpag ang concert ng ating local artists!

Sana, sa movies din, mamayagpag ang mga pelikulang gawang Pinoy!

Mga anak nina Ruffa, Sunshine magkakaibigan

Kapag Thursday, pinipilit ng “Magandang Buhay” na makapag-live sila.

Bukas nga, live na naman ang morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiverios at guest ang mag-iinang Ruffa at Lorin Gutierrez, pati si Sunshine Cruz at isa sa Tres Marias niya.

Kahit Valentine’s day bukas, hindi pagmamahalan ng mag-sweethearts ang pag-uusapan kundi ang pagmamahalan ng mag-nanay.

Parehong single-wor­king mom sina Ruffa at Sunshine, kaya mara­ming puwedeng mapag-usapan bukas.

Sabi ni Ruffa, excited si Lorin sa guesting na ‘yon dahil kaibigan daw ng kanyang panganay ang mga anak ni Sunshine!

Eddie nag-ahit para kay Annabelle

Noong Monday ang last taping day ng “Cain at Abel” at hanggang sa Friday na lang sila mapapanood dahil magpa-pilot na sa Monday ang “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Si Eddie Gutiurrez na isa sa main leads ng “Cain at Abel” ay nakapag-shave na noong Monday para sa pre-Valentine concert kagabi na Valentine Extravaganza.

Sa “Cain at Abel” kasi, may balbas si Tito Eddie at para maiba naman ang look niya kagabi sa pre-Valentine concert na produced ng misis niyang si Annabelle Rama, nag-shave na siya.

Sabi ni Tito Eddie, after “Cain at Abel,” willing pa rin siyang gumawa ng teleserye dahil enjoy pa rin siya sa pagiging aktor hanggang ngayon.

Noong November ay 60 years na si Tito Eddie sa showbiz.