Una sa Balita

Panawagang ‘MAGHUBAD’ na si Daniel, mega-trending!

By
0 148

Sa Twitter account ng Cosmopolitan PH last July 8, ay nagpa-survey sila sa kung sinong male star, o actor, ang bet nilang makita sa cover ng magazine nila.

Ang tanong nila…
“Fill in the blank and tweet us who you want to be on the co­ver of Cosmo Men! #_____ForCosmo.”

At agad-agad, nag-trending ang mga linyang #Da­nielPadillaForCosmo, at hanggang kahapon nga, pa­tuloy ang pag-tweet ng mga fans ni Daniel, pati na ng fans ni Kathryn Bernardo, na sana ay mangyari ang wish nila.

“Make it happen, people!” pare-parehong tweet ng mga fans, gamit ang hashtag na #Da­nielPadillaForCosmo.

Eh, knows naman natin na pag nag-landing ka sa cover ng Cosmo Men, nakahubad ka. At ‘yun nga yata ang inaasam ng mga fans ni Daniel, ang Makita naman nila ang kanilang idolo na hubad, o nagpapasilip ng kahit konting abs, katawan.

May mga umabuso nga lang, na parang ang wish nila, sana ay naka-brief lang si Daniel, kapag natuloy ang pagku-cover nito sa Cosmo Men.

Well, kahit ano namang pagpapa-trending ang gawin, kung sa tingin ni DJ ay hindi pa handa ang kanyang katawan, at hindi talaga siya kumportable na hinuhubaran siya, balewala rin lahat.

Sa mga kakumpitensiya nga naman niya ngayon, siya na lang ang hindi pa nahuhubaran ng naturang magazine, ha!

Si Enrique Gil ay rumampa na noon sa Cosmo Bash, at medyo nagpasilip na nga siya ng konting bahagi ng puwet nya.

Si Alden Richards naman ay ganun din, na naligo pa nga ng oil, habang kinakarinyo ng mga kababaihan, ‘di ba?

Si James Reid naman, ganun din, na rumampa at kumanta pa nga, habang topless siya. At doon nga nangyari na nahulog siya mula sa stage.

Eh, si Daniel nga ba, kelan ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy