Una sa Balita

Panawagan ng mga bakwit: Bigyan kami ng kabuhayan!

0 275

Hinihiling ng mga nagsilikas na mga residente ng Taal Volcano island na bigyan na sila ng pamahalaan ng permanenteng kabuhayan at matitirahang lugar sa labas ng isla.

Ito ay upang hindi na sila aniya mapilitan pang bumalik sa isla at manirahan doon sa kabila ng pagbabawal ng Philvocs at ng pamahaalan ng permanenteng paninirahan sa Taal Volcano.

Ang buong isla ng Taal ay deklaradong permanent danger zone pero tinatayang nasa mahigit 4 na libong katao ang naninirahan at namumuhay sa lugar sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman, paghahayupan at turismo.

Matapos magsilikas noong Linggo,­ may ilang kalalakihang residente ang palihim na nagbabalikan sa isla upang tingnan ang naiwan nilang mga alagang hayop sa pag­likas.

Ayon sa mga ito, muli silang maninirahan doon sa kabila ng panganib.
Maliban na lamang kung bibigyan sila ng pamahalaan ng ibang mga kabuhayan na malayo sa lugar.

“Kahit ho kami dine ay tulog-manok, at laging nag-aalala sa kalagayan ng bulkan, wala ho kaming magagawa at narito ang aming mga kabuhayan, ayon kay Mario Baltazar, na isa sa mga residente. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More