Una sa Balita

Pananamit ni Devon Seron nilait, tinawag na fashion disaster

By
0 2,289

Pinatulan ni Devon Seron, ang bagong Kapuso at isa sa cast ng Regal Films’ Walwal, ang pumuna ng kanyang outfit sa isang mall show. Naka-printed o mas tamang sabihin na stripes ang design ng damit niya. Polo at skirt.

Big fashion disaster kung tawagin ng netizen ang outfit ni Devon. It’s a ‘no-no’ raw. Pero hindi ito pinalampas ni Devon at sinagot na nasa isang tao ‘yun kung paano nakikita ang sarili with an outfit. Basta siya raw, maganda ang tingin niya sarili sa suot.

“I think the most important is how you see yourself. We have our own fashion taste and style. If you feel beautiful to whatever you are wearing then go show it off, create your own style. As long as you’re not going out naked. I was sick but I still feel pretty amazing wearing that outfit and I think I still look cute,” sabi ni Devon.

Mukhang may sariling confidence nga si Devon at kering idepensa ang sarili kung tingin niya ay kailangan. At kahit bagong Kapuso, aminado itong nangangapa pa pero natutuwa raw siya dahil halos friendly raw ang mga Kapuso at nagiging palagay ang loob niya.

Eh, ang leading man pa niya sa Walwal ay si Kiko Estrada na isang Kapuso rin. Nakakapagkuwentuhan daw sila at marami raw itong nai-share sa kaniya.

Sey ni Devon, “Masaya pong kasama si Kiko. Marami kaming moments na nag-uusap kami nang masinsinan. Sabi niya sa akin to feel confident. Tapos isipin ko lang ‘yung mga pinagdaanan ko at mga natutunan ko before like sa acting.” (Rose Garcia)

———–

Lakorn mabenta sa Pinoy

Simula noong June 4 ay nagsimula nang ipakilala sa Pinoy audience ang Thai drama sa bansa ng GMA-7. Ang tawag pala sa Thai drama ay ‘Lakorn’ at ito nga ay sa pamamagitan ng You’re My Destiny na pinagbibidahan ng mga Thai actor and actress na sina Paolo (Wisetkaew Sukrit) at Martina (Esther Supreeleela).

Nakausap namin ang in-charge sa pagdadala ng mga Asianovela sa Kapuso network, ang GMA First Vice President for Program Manage­ment na si Joey Abacan. Eh, 15 years na ang Koreanovela sa bansa na ang Kapuso network din ang masasabing nag-pioneer. Nauna ang My MVP Valentine, pero ang nagmarka talaga ang masasabing nagsimula ng pagkaadik ng Pinoy sa Koreanovela ay ang Endless Love na Autum in My Heart noong 2003.

Since then, 15 years na itong tuloy-tuloy na ginagawa ng GMA-7 at napapanood sa tagalized version ang mga Korean drama, maybe that’s the reason din kung bakit tinagurian ang GMA bilang The Heart of Asia.

Pero nang makausap namin si Joey Abacan at sa pag-i-introduce nila ngayon ng Thai drama na in fairness ha, mataas ang rating sa first week pa lang na umere ang You’re My Destiny kaya mukhang okay rin sa Pinoy ang feel ng Thai, hindi na lang ang pagiging heart of Asia ang ine-eye nila, heart of the world na rin.

Sabi nito, “This is why we are called the heart of Asia. We believe that the viewing preference of our audience is not only limited to the local setting, so we want to bring them the world. Now, ang gusto namin, ‘di lang tayo makilala as the heart of Asia but hopefully, as the heart of the world na rin.”

Sinimulan ng GMA ang Lakorn so, ‘di na kami magugulat na magsusunuran na rin ang ibang network na magpalabas nito. Ang You’re My Destiny na bagong kinahuhumalingan ngayon ay napapanood sa GMA Telebabad after ng Inday Will Always Love You.