Una sa Balita

Panalpak kina Durant, Thompson kakahuyin

0 536

NALAGAS ang dalawang­ pambato ng Golden State na sina Kevin Durant at Klay Thompson sa kasagsagan ng NBA Finals, at nabigo ang Warriors sa paghahabol sa pangatlong sunod na titulo nang tumukod sa anim na laro sa Toronto Raptors.

Buwan – o buong season – na mawawala ang dalawa. Kaoopera lang ng ruptured right Achilles tendon ni Durant na nakuha sa Game 5. Sa Game 6 ay inabot ng torn ACL sa kaliwang tuhod si Thompson, hihintayin munang mawala ang maga bago isailalim sa surgery.

Nitong nagdaang season, sa isang yugto ay limang All-Stars ang starting lineup ng Golden­ State kina Durant, Thompson, Stephen Curry, Draymond Green at DeMarcus Cousins.

Kailangan ng Warriors ng pamuno sa roster.

Mas malamang, ma­ngangahoy si general manager Bob Myers ng mapapakinabangang impact player sa NBA Draft mamaya sa Barclays Center sa Brooklyn.

Malayong pipili sa first round ang Warriors – No. 28, at No. 58 sa ­second round.

Maghahagilap si Myers­ ng rotation player para kay coach Steve Kerr sa No. 28.

Mahirap, pero umaasa ang GM na makakanakaw sila ng katulad ng kalibre ni Green na tinapik ng Warriors bilang 35th overall sa ­second round mula Michi­gan State noong 2012. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy