Una sa Balita

PANALO TAYO!

By ,
0 291

Unanimous ang ‘award’ ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nagsasabing walang historic basis ang ‘nine-dash line’ claim ng China sa South China Sea na sumakop sa West Philippine Sea (WPS).  Isang desisyong direktang pumapabor sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa naturang bansa.

“[The] Tribunal concluded that, as between the Philippines and China, there was no legal basis for China to claim historic rights to resources, in excess of the rights provided for by the Convention, within the sea areas falling within the ‘nine-dash line’,” bahagi ng inilabas na 503-pahinang desisyon ng PCA.

“All of the high-tide features in the Spratly Islands (including, for example, Itu Aba, Thitu, West York Island, Spratly Islands, North-East Cay, South-West Cay) are legally “rocks” that do not generate an exclusive economic zone or continental shelf,” ayon pa sa PCA.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Perfecto Yasay, inaasahan na ng Pilipinas na magiging paborable ang desisyon ng arbitral tribunal.

“The Philippines welcomes the issuance today, 12 July 2016, of the Award by the Arbitral Tribunal constituted by the Permanent Court of Arbitration under Annex VII of the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) on the arbitration proceedings initiated by the Philippines with regard to the South China Sea,” sabi ni Yasay.

Ang desisyon ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands ay matapos ang tatlong taong proseso na dinaanan ng Pilipinas na kinukuwestiyon ang 9-dash line ng China na umaangkin sa kabuuan ng South China Sea.

“Our experts are studying the Award with the care and thoroughness that this significant arbitral outcome deserves. In the meantime, we call on all those concerned to exercise restraint and sobriety. The Philippines strongly affirms its respect for this milestone decision as an important contribution to ongoing efforts in addressing disputes in the South China Sea. The decision upholds international law, particularly the 1982 UNCLOS,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Yasay na sa kabila ng naging desisyon ng PCA ay bukas pa rin ang Pilipinas sa bilateral o one-on-one na usapan.

“The Philippines reiterates its abiding commitment to efforts to pursue the peaceful resolution and management of disputes with a view to promoting and enhancing peace and stability in the region,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna nang umani ng batikos ang pahayag ni Yasay, noong nakaraang linggo na handa umano ang Pilipinas na ikonsidera ang ‘joint exploration with China’ sa pinag-aagawang mga teritoryo, kasama ang WPS.

Inaangkin ng China ang buong South China Sea dahil sa kanila umanong nine-dash line na taliwas sa 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Hindi sumali ang Beijing sa arbitration proceedings sabay giit sa kanilang sovereignty sa South China Sea.

Una nang nagdesisyon ang Tribunal, matapos kuwestyunin ng China, na may hurisdiksyon ito sa reklamo ng Pilipinas at nagkaroon na ng mga pagdinig sa mga argumentong isinumite ng bansa.

Ilang oras bago ang naging desisyon ng international tribunal ay nagdiwang ang iba’t ibang grupo.

Ilan sa mga ito ang miyembro ng US Pinoys for Good Governance (USPGG), Marcha Contra Tsina, Akbayan, at Kalayaan Atin Ito, na nagwasiwas ng bandera at nagpalipad ng mga lobo na may iba’t ibang kulay na kahalintulad sa Philippine flag gaya ng kulay pula, asul, puti at dilaw sa Baywalk in Manila.

Kasama rin sa mga nagpakita ng suporta sa mga Filipino ang mga miyembro ng Vietnamese Community in the Philippines (VCP).

Magugunitang ang bansang Vietnam ay may kahalintulad ding laban sa China kaugnay ng islang inaangkin nito sa South China Sea.

Sinabi ni dating National Security Adviser Roilo Golez, na batid na nito na isasantabi at hindi kikilalanin ng China ang desisyon ng Tribunal.

“We expect China to ignore it. But how long can they sustain ignoring the ruling of the arbitral tribunal if they’re going to be faced with the indignation of the international community of nations?,” aniya pa.

Pero ayon sa isang mambabatas na eksperto sa international law, puwedeng kuyugin at pagtulungan ng international community ang China kung hindi ito yuyuko sa desisyon ng PCA.

“Uniting for peace…you can even authorize peacekeeping force. You can authorize force against China the general assembly has done it….and not just the security council, ang problema kasi sa security council kasi may veto vote ang China pero nangyari na ang buong international community authorized the use of Chapter 7 enforcement mechanism even against a permanent member of the security council,” paliwanag ni Kabayan partylist Rep. Harry Roque sa isang panayam kahapon.

Puwede rin aniyang maiitsapuwera ang Tsina sa ilalim ng general assembly ng United Nations (UN).

Kung sakali naman aniyang gumanti ang Tsina sa Pilipinas dahil sa hindi paborableng desisyon ng international court maaaring mag-counter strike ang mga Pinoy.

“Nu’ng ipinagbawal ng China ang ating bananas at pineapples, dapat nagpunta tayo ng World Trade Organization (WTO) because that is expressly prohibited ‘yung mga trade reprisals as a result of foreign policies differences one of the most strongly prohibited act under the WTO. Well, illegal naman ang ginawa ng China, that’s a form of economic reprisal o trade reprisal at ang sa akin dapat palakasin lang natin na dapat gamitin natin ang WTO kapag ang Tsina in case of adverse decision will result to trade reprisals. Puwede tayong gumanti, tingin ko naman mas masakit sa kanila ‘yan kung tumigil na tayong bumili ng made in China products. Bagama’t pinagbabawal ang trade reprisals puwede kang gumanti kapag ikaw ay biktima ng trade reprisals…haharangin ang pagpasok ng made in China products kaya natin ‘yan, bakit hindi? Kailangan tayong maging pasensyoso pero kaya rin nating gawin ‘yan. Kapag nangyari e naniniwala ako baka naman hindi mangyari,” hirit pa ng mambabatas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy