Una sa Balita

Panalo ni Widodo dinilig ng dugo: 6 patay, 200 sugatan

0 263

Anim katao ang iniulat na nasawi sa Jakarta, Indonesia matapos na sumiklab ang gulo kasunod ng pag-anunsyo ng mga nanalo sa katatapos na eleksyon.

“Casualties up till now include six people dead,” ayon kay Jakarta Governor Anies Baswedan.

Kahapon nang umaga ay naitala sa anim ang nasawi habang nasa 200 ang sugatan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ang 20 katao na nagpasimula ng gulo nang ianunsyo ang panalo ni Joko Widodo bilang Pangulo ng Indonesia sa ikalawang termino ay arestado na.

Nabatid na alas-11 nang gabi nitong Martes ay dumami na ang mga tao sa kalye at nagsimula na ang kaluguhan.

Bago sumiklab ang gulo ay inanunsyo ng General Election Commission (KPU) ang resulta ng halalan noong April 17 elections.

Nanalo si Widodo at nakakuha ng 55.5 percent boto o katumbas ng 85 milyon laban sa 44.5 percent ng kalabang si dating general Prabowo Subianto sa kabuuang 154 milyong boto na ayaw paniwalaan ng kanyang katunggali at nag-aakusa ito na nagkaroon ng malawakang da­yaan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy