Una sa Balita

Panalo ni Ms. South Africa sa Miss U pinagbunyi

0 491

Bumuhos ang pagbati para kay Miss South Africa Zozibini Tunzi sa buong mundo nang tanghalin siya bilang bagong Miss Universe sa taong ito na ginanap sa Atlanta, Georgia nitong Disyembre 9 ng umaga (Philippine time).

1st runner-up naman si Madison Anderson na pambato ng Puerto Rico at 2nd runner-up naman ang representative mula sa Mexico sa si Sofia Aragon.

Medyo nanibago ang lahat at mas na-challenge sa bagong gimik ng Miss Universe dahil nagkaroon pa ng introduction ang bawat kandidata na pasok sa Top 20, may Q&A portion din para sa final five pati sa final 3, mayroon ding closing remarks na hiningi mula sa final 3 na kandidata which is nabigyan talaga ng magandang speech at sagot ito ni South Africa, dahilan para siya ang mag-uwi ng korona sa 2019 Miss Universe.

Sa tanong na “What is the most important thing we should be teaching young girls today?” na dapat sagutin sa loob ng 45 seconds, heto ang sagot ni Miss South Africa:

“I think the most important thing that we should be teaching young girls today is leadership. It’s something that has been lacking in young girls and women for a very long time, not because we don’t want to, but because of what society has labeled women to be. I think we are the most powerful beings on the world, and that we should be given every opportunity, and that is what we should be teaching these young girls: to take up space. Nothing [is] as important as taking up space in society and cementing yourself. Thank you!”

Sa pagpasa ni Catriona Gray ng korona kay Zozibini, napagtanto ng mga fan na tila sandwich ang nangyari sa Miss Universe sa mga nakaraang taon, dahil matatandaang ang nagpasa noong 2018 ng korona kay Catriona ay si Demi-Leigh Nel-Peters na representative mula sa South Africa at ngayon nga ay kinoronahan ni Catriona si Zozibini. Dahil diyan, umaasa ang mga Pilipino na maibabalik sa 2020 ang korona sa Pilipinas. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More