Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Panalo ng mga ka-solo

0 114

Nitong nakaraang linggo ay naging batas na ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Personal sa akin ang batas na ito dahil hinugot ko ito sa karanasan ko bilang isang solo parent. Dumaan din ako sa mga panahon na kailangan magbayad nang buwanan sa eskwelahan ng aking panganay dahil hindi ko kayang bayaran nang buo ang kanyang matrikula. Sobrang pagtitipid para mapagkasya ang budget dahil ako lang ang naghahanapbuhay para buhayin ang apat kong anak.

Hindi madali ang maging isang solo parent. Alam kong marami sa atin, hindi natin piniling mag-isang magtaguyod sa ating pamilya.

Kaya isa-isahin natin ang mga importanteng probisyon na nakapaloob sa bagong batas na ito.

  1. May P1,000 Ayuda kada buwan para sa solo parent na kumikita ng minimum wage.
  2. Mayroong 10% discount sa gamot kung mababa ang kita at may anak na 6 taong gulang pababa.
  3. Automatic na magkakaroon ng PhilHealth coverage ang solo parents
  4. Asawa ng OFW kabilang na sa mga solo parent basta low- at medium-skill na trabaho at tuluy-tuloy na nagtatrabaho abroad.
  5. 22 years old “age ceiling” ng mga anak ng solo parents na pwedeng makakuha ng benepisyo. Mas makakatulong tayo sa mga mag-aaral sa K-12 system
  6. 6 months employed pwede nang makapag-file ng 7-day leave ang mga working solo parents. Hindi na kailangang maghintay ng isang taon.
  7. Scholarships para sa solo parents at sa ating mga anak sa ilalim ng DepEd, CHED, o TESDA.

Bukod sa personal na karanasan, hinugot din natin ang batas na ito sa puso ng bawat solo parent na kasama nating nagsulong ng mga benepisyong ito.

Kaya hindi ito tagumpay ko o tagumpay ng Senado’t Mababang Kapulungan. Ito ay tagumpay ng baway ka-solo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.