Una sa Balita

Panalo mailap kay Wesley, draw na naman sa Round 4

0 213

NAKAPUWERSA ng tabla si super grandmaster Wesley So kay former world champion GM Viswanathan Anand ng India sa round 4 ng 2019 Sinquefield Cup sa Saint Louis, USA kahapon.

Nalagay sa alanganin si So, 25, matapos itulak ang Qa5 sa 18th move at nakalamang ng isang pawn si Anand pero nagawa pa ring makatabla ng dating Philippine Chess Team star sa kanilang 42 sulungan ng Petroff.

Nakalikom si Imus, Cavite native So ng dalawang puntos, kasalo siya sa eight-way tie sa third spot.

Magkasalo sa tuktok sina Anand at GM Fabiano Caruana ng USA kapit ang tig-2.5 points.

Nakahabol sa unahan si Caruana matapos nitong kalusin si GM Levon Aronian ng Armenia sa 53 moves ng Ruy Lopez.

Makakalaban ni So sa round 5 si Caruana.

May dalawang puntos din si reigning WC GM Magnus Carlsen ng Norway, makakaharap naman niya si Russian GM Sergey Karjakin. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy