Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Panalo ang grilled buffalo chicken

0 79

Sawa ka na ba sa prito? Bakit hindi mo i-try ang mag-ihaw? Puwedeng ulamin at puwede ring gawing palaman sa sandwich.

Gawin natin ang Grilled Buffalo Chicken. Ito ang mga kailangan:
5 boneless at walang balat na chicken breast
1 stick ng unsalted butter
1 tasang hot sauce
3 kutsarang white wine vinegar

Kung gustong gawin itong sandwich, maghanda ng 6 na whole wheat burger buns.

Para ihanda ang buffalo sauce, palambutin ang butter sa isang nasa medium heat na sauce pan. Idagdag ang hot sauce at white wine vinegar hanggang sa mahalo ito ng husto sa butter. Itabi at palamigin ng 15 minuto o higit pa.

Maglagay ng 1/2 nagawang buffalo sauce sa hilaw na manok at ibabad dito ang manok ng 15 hanggang 20 minuto.

Ihanda na ang ihawan. Ilagay ang manok sa ihawan. Pahiran ito ng buffalo sauce habang iniihaw.

Tanggalin sa ihawan kapag luto na ang manok.

Kung nais gawing palaman sa sandwich, hiwain ng mahabang strips ang manok. Ang natirang buffalo sauce na hindi pinagbabaran ng manok, initin sa isang pan. Kapag mainit na, ilagay rito ang hiniwang manok at halu-haluin para sumama ang lasa ng buffalo sauce.

Maaari ring gumawa ng coleslaw salad na partner ng grilled buffalo chicken.

Hiwain lang ang repolyo ng maninipis at gumawa ng 3 tasa nito. Paghaluin ang 1 tasang mayonnaise, 1 tasang sour cream, juice ng 1 lemon, 1 kutsaritang white wine vinegar, 2 kutsaritang brown mustard, 1/3 tasa ng ginadgad na keso, 1 tasang chopped parsley at asin at pamintang panimpla. Ihalo rito ang repolyong hiniwa. Mayroon ka nang coleslaw.

Sarap!

* May sarili ba kayong recipe o menu sa inyong restaurant na nais ibahagi? Magpadala lang ng mensahe sa aming FB page: Patikim Nga o sa email: marou70@gmail.com

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.