Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Panalo’ 49M view na: Ez Mil may pasabog sa ASAP

0 122

Hindi na makapaghintay ang fans ng Fil-Am rapper na si Ez Mil na mapanood ang global TV debut ng viral single niyang “Panalo” sa “ASAP Natin To” ngayong Linggo (Marso 7).

Matutunghayan ang performance niya kasama ang sikat na bandang 1500 or Nothin, higit isang buwan bago ang paparating niyang live virtual concert sa KTX.PH sa Abril 17 na mapapanood worldwide.

Tweet ng Twitter user na si @jlynja99, “Halaa! sa wakas mangyayari na, sobrang tagal kong hinihintay toh! Ez Mil on ASAP.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Luh may nabasa pa lang ako na tweet ng isang fan na gusto nya mag guest si EZ MIL sa ASAP kahit naka green screen lang tapos eto mangyayari na. I don’t know kung matagal na itong naka plano. Nakikinig talaga ang @ASAPOFFICIAL sa gusto ng mga tao,” saad ni @ChaKapusoPH.

Ang bongga ng KTX.PH dahil hindi lang local superstars tulad ng sold-out concert ni Regine Velasquez ang nakakapag-perform dito dahil nakuha rin nilang mag-concert sa platform ang nasabing up and coming international star.

Matatandaang naging viral ang performance ni Ez Mil ng “Panalo” noong Enero na ngayon ay nakakuha na ng 49 milyong views sa YouTube. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.