Panakip-butas
By Arnold ClavioDalawang balitawit (balita at awit) pero iisa ang paksang tatalakayin natin sa BALITAWIT – ano ang nangyari sa Department of Justice at tila patalo ang ilang malalaking kasong kinakaharap nito?
Hindi sa kapakanan ng maraming publiko ang mga kontrobersyal na desisyon ng DOJ para sa kampanya kontra droga at maging sa pork barrel scam.
Kung iniisip ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ay napaniwala niya ang nakakaraming Pilipino sa pagpapaliwanag niya sa mga di popular na desisyon na ito, napakalaking kamalian yan.
Abangan natin ang pinaka-pinal na desisyon ng gobyerno sa mga kasong ito. Ang mahalaga ay hindi natutuwa sa mga development na ito si Pangulong Duterte.
1. PANAKIP BUTAS (Hadjji Alejandro)
Girl, magsa-saksi ka nga ba
Dinig ko’y sa-saksi ka
Buo na’ng isip mo
Ito ang wakas
panahon na nang laglagan..
Ngayong may bagong pangulo..
Supporter pa’ng abogado mo!
Oh, Jenny, kung dadaldal ka nang talaga
Sige i-nguso na
Sige’t ipahamak mo na Panakip-butas mo lamang sila!!!
Hindi mo na mababawi..
‘Di ka ba magsisisi
Ano pa’ng dahilan?
Nguni’t kung ika’y
Tuluyang mandadamay…
Isama mo yung totoo,
Drilon, Abad at Benigno
Oh, Jenny, kung dadaldal ka nang talaga
Sige i-nguso na
Sige’t ipahamak mo na
Panakip-butas mo lamang sila!!!
Girl, hindi kita masisi
Alam kong naipit ka diyan…
Girl, hindi kita masisi
Kailangan mo rin matikman ang sarap nitong buhay
Alam kong utak sila…
Sige ilaglag na!
Sige’t pagpatuloy mo na
Panakip-butas ka lamang nila!!
2.YESTERDAY
(THE BEATLES )
Yesterday
all her troubles seemed so far away.
Now it looks siya ngayo’y may K
Anong nangyari sa DOJ?
Suddenly, magwi-witness na ‘itong si Jenny…
Sinu-sino kaya sa LP???
Si Ex-P ba o si Frankie?
Why she had to go?
I don’t know, she wouldn’t say.
Mayroong something wrong.
Itanong sa DOJ..
Yesterday
Si Enrile , Bong at si Jinggoy…
Sa pork barrel daw ay nang-denggoy
Anong nangyare sa DOJ.
Why she had to go?
Itanong mo kay kalbo!
I sense may something wrong.
Sa decision ng DOJ…
DOJ, what happened sa malaking isda..
Mga biktima ang siyang
kawawa…
Oh please naman, o DOJ!!!
Mm mm mm mm mm mm mm.