Una sa Balita

Panaga, PetroGazz hinigop ang B’Pure

0 262

UMALPAS si Jeanette Panaga at PetroGazz kontra BaliPure, 25-22, 25-18, 25-16 sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations Linggo ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Sampa ang Angels sa win column ng torneo sa tulong ni Panaga na umiskor ng 16 points, 12 mula atake, tatlong blocks at isang service ace.

“Siguro mindset lang talaga na well, start na talaga, start na yung tournament. Last time pagdating sa mindset off, makikita mo na ‘di totally naka-focus sa ginagawa last time kaya ganoon kadami nabigay na errors,” litanya ni coach Arnold Laniog.

Dinagdag pa ng Angels coach na nakatayo mula sa 25-20, 11-25, 25-21, 25-18 sorpresang pagkalugmok laban sa BanKo sa nakalipas na Linggo, Agosto 11, “But this time nagi-error pero mga error na for me is acceptable.”

Katuwang sa panalo ng gas sina setter Djanel Cheng na may 17 excellent sets at limang puntos at Stephanie ‘Paneng’ Mercado na may siyam na puntos para isalya ang Purest Water Defenders sa ilalim sa 0-2 .

Susunod sa PetroGazz ang panig ang reig­ning champions Creamline sa darating na Sabado, Aug. 24 sa naturan ding venue.

(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy