Una sa Balita

Panadero na-heat stroke sa biyahe

By
0 321

SA mismong tabi ng driver ng isang pampasaherong jeep inatake ng heat stroke ang isang 45-anyos na baker kamakalawa nang hapon sa Maynila.

Nabatid kay SPO3 Jonathan Bautista, im­bestigador ng Manila Police District-Homicide Section na nakasakay umano ng pampasaherong jeep na may rutang Pasig via Quiapo ang biktimang si Samy Araes, taga 2001 Jose Abad Santos St., Tondo, Maynila dakong alas-3:50 nang hapon nang mangyari ang insidente.

Nasa tabi umano ng driver ang biktima nang bigla itong nawalan ng malay dahilan para isugod ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Nalaman na na-comatose ang biktima at tuluyang nasawi dakong alas-5:05 nang hapon sa nabanggit na pagamutan.
Ayon sa employer ng biktima na si Wilson Lee, mayroon umanong sakit na hypertension ang biktima.

Posible umanong inatake ng hypertension ang biktima dahil sa matin­ding init ng panahon.

Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral para sa awtopsiya. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy