Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Panabong ni Cayanong solo champ sa 6-Cock

0 144

MABABAGSIK ang mga panabong ni Ka Rex Cayanong, sinikwat ang solo championship sa katatapos na ‘Battle of the Big Boys’ 6-Cock Super Big Event na inilarga nitong Lunes sa Manila Arena.

Umiskor ng perfect six points ang entry ni Cayanong na ‘Sabong On Air’ sapat upang magsolo champion sa event na napanood lahat ang sultada sa WPC-PitMaster Live.

Giniba ng ‘Sabong On Air’ ang mga tigasing breeder at sabungero, kasama sa mga pinupog ng mga warrior ni Cayanong ang entry na ‘AA0 HitCock’ na pag-aari ni Gerry Ramos.

Unang syinapol ng ‘Sabong On Air’ ang entry na ‘Sudan Sun Liberator Power’ nina Paul Torres at Aldo, sunod ang ‘AA0 HitCock’ at pangatlo ang ‘BMY-SUPERTUFF-DC Bailen’.

Kabilang sa mga pinupog ng mga pandiin na manok ni Cayanong ang ‘AA-DLG-JPB’ nina Atong Ang at Liloy Go sa fourth fight, sunod ang ‘Jecca 196/Tyago 1017’ nina Joel Cuento at Christrian Almario.

Nasilo ng ‘Sabong On Air’ ang pang-anim na panalo nang ratratin nito ang Fantastic Mantis San Marcos na combined entry nina Amben Amante at Jun Garbes at sungkitin ang tumataginting na P3M premyo.
Ayon kay Cayanong, malaking bagay sa kanyang tagumpay ay ginawang paghahanda sa manok nito ng kanyang mga handlers na sina Ian Avila, Ranier Bernal at Bhem Bhem habang ang gaffer ay si Juan Carlos Bullicer.
Dumaan sa butas ng karayom ang mga panabong ni Cayanong kaya naman tiyak na masayang masaya ito dahil nasungkit na ang matagal ng inaasam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.