Pamumuhay sa Batangas, balik normal na

By

Unti-unti nang nagiging normal ang sitwasyon sa Batangas matapos ang naranasang lindol na sumira sa 3,114 kabahayan, ayon sa post-disaster assessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa tanggapan, sa mga nasirang bahay, 432 ang totally damaged at 2,682 ang partially damaged at sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin umano ang tulong na ibinibigay ng DSWD lalo at marami pa ring residente ang nanatili sa mga evacuation centers.

Nabatid na 52 katao pa o 13 pamilya ang nasa evacuation center sa Barangay Sta. Clara, Batangas City dahil hanggang sa ngayon ay wala pang malilipatan matapos masira ang kanilang bahay at mawala ang kabuhayan.

Apat na magkakasunod na lindol ang naranasan sa Batangas, ang pinakamalakas ay Magnitude 6 sa Mabini, Batangas na sinundan pa ng mga swarm earthquakes habang sa Tingloy town ay nakapagtala ng magnitude-5.5 earthquake.


SHARE