Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pamparami ng subscriber: Julia gagamitin sa vlog ni Gerald

0 233

Mahigit isang taon na ang YouTube channel ni Gerald Anderson, pero dahil hindi masyadong aktibo, mababa lang ang subscriber nito.

Kumpara sa ibang artista na bago-bago lang sa YouTube, talong-talo si Gerald. Imagine, habang sinusulat ito, 45,000 pa lang ang subscriber niya, hindi tulad sa iba, na halos overnight lang, umaabot na sa 100,000 ang nagsu-subscribe.

Pero, may paandar nga si Gerald sa next vlog niya, na ilalabas sa April 21. At `yon ay ang ‘My Special Guest Tries Filipino Street Food!’

Pero, bitin ang itsura ng kasama niya sa thumbnail, dahil blurred ang part na `yon ng guest niya. Pero, obyus na babae nga ito, dahil sa ayos ng buhok at sa porma ng katawan.

Pero makikita sa thumbnail na sobrang saya ni Gerald sa kanyang kasama. At siyempre pa, base sa reaksiyon, mensahe ng mga fan, ang tingin nila ay si Julia Barretto nga ito.

May mga photo nga raw kasi sina Gerald at Julia na pareho ang itsura sa thumbnail. Kaya ang tingin nila, si Julia talaga ito.

Pero, mababasa rin na interesado silang mapanood ang collab nina Gerald at Julia. At siguro, kapag lumabas daw si Julia sa vlog ni Gerald, baka biglang dumami ang subscriber ni Gerald.

May mga komento nga na siguradong gagamitin ni Gerald si Julia sa vlog para dumami ang subscriber niya.

Well, wait na lang natin, at tingnan kung mula 45,000 ay gaano kalaki ang itataas nito.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.