Una sa Balita

Pampanga health chief nasawi sa coronavirus

0 523

Isa pang doktor ang namatay matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19).

Pumanaw si Dr. Marcelo Jaochico noong Lunes ng gabi matapos siyang magpositibo sa coronavirus, ayon sa kanyang anak na si Cielo.

Si Jaochico ang provincial health chief ng Pampanga at nagsilbi sa mga pasyente sa liblib na lugar sa Apayao sa ilalim ng Doctor to the Barrios (DTTB program.

Lumabas ang mga sintomas ni Jaochico noong Marso 11 nang mawalan ito ng ganang kumain, nahahapo, nagtatae at hirap na sa paghinga.

Nag-quarantine siya sa kanyang bahay sa Pampanga pero noong Marso 15 ay pinasok na siya sa pribadong ospital dahil sa hindi nawawalang lagnat at hirap sa paghinga.

Nagkaroon siya ng pneumonia noong Marso 17 at nilipat sa intensive care unit. Kinabukasan ay nagkaroon ng build-up ng liquid sa kanyang baga.

Si Jaochico ay resident ng Manila Medical Center at nagturo sa Emilio Aguinaldo College. Sa loob ng 16 taon ay nagsilbi siya sa DTTB program kung saan sinuong niya ang mga liblib na lugar ng Calanasan sa Apayao at naging all-around doctor doon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More