Una sa Balita

Pampalubag loob? Rep. Gonzales itinalagang VP ng PDP-Laban

0 340

ITINALAGANG bise presidente ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang isa sa kanilang Speaker-wannabes na si reelected Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales.

Base sa dokumentong ipinalabas ng PDP-Laban viber group, itina­laga ng liderato ng ruling party si Rep. Gonzales bilang ‘interim National Exe­cutive Vice President’ noong Hun­yo 13.

Si Gonzales ay isa sa tatlong aspirante ng House leadership na kabilang sa administration party na nagsilbi bilang PDP Laban overall deputy campaign manager sa nakaraang midterm poll at bilang regional president ng ru­ling party sa Central Luzon.­

“Gonzales will be taking a more active role in running the day to day affairs of the ruling party,” sabi ni Ronwald Munsayac, aide ni PDP Laban president Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

“He will also ensure that the legislative priorities of the Party- the party of the President are passed in the House of Representatives,” dagdag pa ni Munsayac.

Ang pagkakatalaga kay Gonzales ay upang masigurado na bawat miyembro ng lapian ay mapapangalagaan ng PDP Laban leadership. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More