Pamitinan pwede na uli puntahan

Inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bubuksan na sa publiko ang Pamitinan Protected Landscape sa Rodriguez, Rizal.
Magandang balita ito para sa mga Pinoy mountain hiker. Ayon sa pa sa DENR, simula ngayong araw ay tatanggap na sila ng mga bisitang edad 15 hanggang 65.
“Today, February 22, 2021, we officially announce that we are now opening Pamitinan Protected Landscape that covers Mt. Pamitinan, Mt. Binicayan and Mt. Hapunang Banoy that will only accept guests ages 15 to 65 years old,” saad ng DENR Pamitinan Protected Landscape Facebook page.

Dagdag dito, ayon pa sa anunsyo, “Online Reservations for Hiking/Trekking is now available, book your date early! we will not accept late and rush reservations, single hike or twin-hike is accepted but no trilogy.”
Available na anila ang online reservation para sa hiking o trekking activities. Hanggang dalawang tao lang din anila ang pwede kada grupo. (Riley Cea)