Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pamintang TV personality adik sa threesome

0 28

Da who itong TV personality na paminta pala na ilang araw raw na hindi naliligo ‘pag nasa bahay lang? Kahit nang minsang nag-attend daw ito sa isang bonggang showbiz event, waley raw itong shower.

Heto pa! May boyfriend daw noon ang pamintang TV personality na ‘di hamak na may itsura kesa sa kanya. Madalas daw magyaya ang subject natin sa kanyang ex-bf na gumora sa isang sikat na gay bar. Ang catch, lagi raw pinapapuwesto ni TV personality ang ex-dyowa niya sa harapan niya para maka-attract daw pala ng ibang mga paminta na puwede nilang makilala at makasama that night. Wala raw kaalam-alam ang ex niya sa mga ganitong plano niya.

Matapos nilang makakakilala ng ibang paminta, bet daw ni TV personality na mag-threesome sila nito. ‘Yan ang trip niya sa sex! Nakakalokah, devah? Dahil sa kakaibang ‘kaelsahan’ niya, hiniwalayan siya ng dyowa niya!

Bukod diyan, may buga pa raw ang junganga niya o bad breath, dahil daw sa hindi pagkain para makapag-diet! Wahaha!

Sa TV, akala mo ang pormal at ang bango ni pamintang durog! Feelingero pa at pakiramdam niya ay sikat siya at napakahusay sa field niya! Chaka mo kaya sa true to life lang, ha! Hahaha!


Toni Fowler, Rob Moya nagbati dahil sa aso

Naks! Bati na ang dating magdyowa na mga vlogger, sina Toni Fowler at Rob Moya! Nangyari ang kanilang pag-uusap, pagbabati, dahil sa mahal nilang aso na si Biggie na nagkasakit due to infection, dahilan kung bakit ito nilagnat, kaya dinala raw ni Mommy Toni sa isang veterinary clinic sa Antipolo para ipagamot at ipa-confine ng ilang araw.

Halos mamatay na raw ang kanilang pet doggie nang dinala ito ni Toni at ng kaibigan niyang si Mikay na vlogger rin, kaya iyak daw sila nang iyak. Dahil diyan, ibinaba raw ni Toni ang kanyang pride para papuntahin si Daddy Rob to see and check on Biggie, kasi ang huli raw talaga ang tunay na may-ari sa naturang aso para sumigla raw ito ‘pag nakita ang ex-dyowa niya na umamin din daw, sa wakas, na may nagawa ring kasalanan sa nasira nilang relasyon at napunta raw sa maling tao.

May isa pang video na nagso-sorry sila kay Raffy Tulfo, dahil humantong pa dati ang away-mag-dyowa nilang dalawa sa programa ni idol Raffy sa TV5!

All’s well that ends well, ika nga. Comment nga ng isang subscriber at faney nila, nangangamoy balikan raw sina Toni at Rob, tulad ng nangyari sa isa pang kilalang vlogger/YouTuber na si Zeinab Harake at dyowa niyang sikat din na si rapper/singer/composer na si Skusta Clee?

In-upload ni Toni sa kanyang YouTube channel the other night lang ang video nila ni Rob na may titulong Ang Muling Pagkikita!

Leave A Reply

Your email address will not be published.