Una sa Balita

Pamilyang salaula walang kupas

0 285

MAGANDANG araw mga ka-Abante,

Ayos din itong column niyo pampatanggal stress lalo na sa mga kapitbahay kong ubod ng baboy sa katawan.

Ako nga pala si Julia taga-Tugatog, Ma­labon, nagtatrabaho sa isang sikat na mall diyan sa Quezon City.

Share ko lang ang hindi ko masikmurang style ng isang angkan ng kapitbahay ko.

In fairness alam niyo bang maayos-ayos na ang buhay nila ngayon dahil may nag-abroad na silang dalawang anak kaya ang mga ga­mit nila ay branded na?

Pero jusko naman ang bahay nila bran­ded sa dugyot. Kahit anong suotin at bili yata nila ng gamit ay talagang hindi nito matatakpan ang kanilang kababuyan.

Sinabi kong baboy, paano naman kasi madalas silang magkainan sa terrace ng kanilang bahay at kitang-kita ko ang nakaka-turn off nilang itsura sa pagkain.

Ang gana naman nilang kumain dahil nakakamay sila pero makikita mo ang kanilang lamesa mukhang pinamumugaran ng ipis at langaw pero wala silang paki subo pa rin nang subo.

Tanaw na tanaw ko sila dahil halos ding­ding lang ang pagitan ng bahay namin.

Ang matindi pa, pagkatapos kumain ay ini­iwanan nila ang pinagkainan nila sa terrace at mga walang paki kahit mga aso at pusa na lang nila ang magligpit ng kanilang kinainan.

Ganu’n lang naman ang tsika ko sa pamilyang kapitbahay ko. Ayoko kasi silang sitahin dahil minsan ko na itong ginawa pero supalpal ako.

Hoping na mabasa nila ito dahil alam kong adik din sila katulad ko sa Abante.

Salamat at mabuhay kayo sana ay hindi ako mabuking.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy