Una sa Balita

Pamilyang peke

0 405

Hello mga kapitbahay lalo na sa Marilao, Bulacan.

Ako si Elena nasa mid 40s na at isang plain housewife mula sa isang barangay sa Marilao.

Salamat at nabasa ko ang column ninyo dito sa Abante para may mapaglabasan ako ng galit at gigil.

Galit talaga kasi sobra na itong mga kapitbahay ko. Mga walang puso.

Ganito kasi ang raket nila, may mga tauhan ang pamilyang ito na itago natin sa pangalang pamilyang Raketero.

Nagpapabenta sila ng kung ano-ano mga alahas, bag, sapatos, damit na pawang signature.

Dahil mga signature marami silang naloloko. In fairness sa kanila hindi sila nambibiktima dito sa aming barangay kundi sa mga kalapit-barangay namin. Maaaring dahil sa takot o ayaw mabuking ang kanilang modus.

Sabi ng isang nabiktima nila na nabasa ko sa online, peke raw ang mga paninda ng kapitbahay ko.

Ang hanash pa ng kanilang nabiktima, pang-original daw ang ibinayad niya pero laking gulat niya nang malamang hindi orig ang napasakamay niyang item.

Hindi lang isa ang nakitaan ko ng ganong komento. Napakarami nila.

Pero hindi sumasabog dahil papa­lit-palit ng account ang pamilyang ito sa kanilang raket.

Halos linggo-linggo nga yata sila nagpapalit ng account sa Instagram at Facebook.

Ang ikinakairita ko ay ang sobrang yabang nila akala mo ay kung sino, mga manloloko pala.

Naaawa na ako sa mga nabibiktima nila ano kaya ang pinakamagandang gawin para matigil na sila sa panloloko.

Ayoko namang pagbintangan ako na nagsumbong dahil ako lang ang madalas mambaterya sa misis ng pamilya Raketero sa kanilang modus.

Sana ay may magsumbong sa kanilang mga nabiktima para matapos na ang masasayang araw nila.

Salamat, marami pa ang isi-share na mga kuwento ng mga kapitbahay kong maloko dito sa aming barangay. Sa susunod.
Elena ng Bulacan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More