Una sa Balita

Pamilyang na-wipeout sa eleksyon lumayas sa Pilipinas

0 426

Alam nyo bang nag-alsa balutan at lumayas na sa bansa ang isang pamilya ng mga politiko matapos ma-wipeout sa katatapos lang na eleksyon.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa sama ng loob na natalo ang mga miyembro ng pamilya sa mga tinakbuhang posis­yon ay nagdesisyon silang umeskerda at magpahupa ng lungkot sa abroad.

Ayon sa aking bubwit, medyo petmalu nga naman kasi ang inabot ng mga miyembro ng pamilya sa nagdaang botohan. Si Mayor ay natalo ng kalaban niyang bagito, ang kanyang misis naman na tumakbo sa Bicol ay natalo rin, at yun kapatid ni Mayor na kumandidatong Cong­ressman sa kanilang lugar ay talo rin. Ang kapatid ng misis ni yorme na angkan din ng mga politiko sa Bicol ay natalo rin bilang governor.

Hindi lang talo sa nagdaang botohan ang kanilang problema. May banta rin kasi si Pang. Duterte sa kanilang ‘patriarch’ na dati rin Ma­yor na kung gusto pa nitong mabuhay ay mas mabuting magtago na lang sya o mag abroad.

Balitang-balita na nang manalo si Duterte noong 2016 elections ay pinuntahan nya ang patriarch at pinagsasampal dahil sa malaking shabu den sa lungsod malapit sa city hall.

Natakot din sila para sa kanilang seguridad kaya piniling lumayas na lang muna.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa inabot nyang pagkatalo sa nakalabang bagito ay pinabayaan na ni Mayor ang kanyang trabaho sa city hall gaya ng administrative matters, basura at iba pang serbisyo kahit na hanggang sa June 30 pa ang kanyang termino.

Naghakot na rin umano sya ng kanyang mga gamit sa city hall at tinangay pati hindi naman nya personal belongings gaya ng modernong disaster equipments na pagmamay-ari ng lungsod.
Ang pamilya ng mga politikong na wipe-out nitong botohan ay nakatira sa lungsod sa Metro Manila na dinaraanan ng mahabang ilog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy